Biyernes, Hunyo 10, 2016

ako si ralph russel mate mula sa bansang pilipinas sa prubinsya ng bulacan , nag simula akong mag isip na gumawa ng blog para maging isang pampalipas oras kapag wala akong ginagawa sa aking trabaho, gusto kong simulan ang aking blog sa pag kukwento tungkol sa aking sarili, well anyway wala pa akong topic na naiisip sa ngayon kaya nais kong ikwento muna ang aking istorya:)

ako ay nag aaral sa politeknikong unibersidad nang pilipinas pang apat na baytang sa kolehiyo isa rin akong barsiti sa aming paaralan ang ugali ko bilang isang estudyante ay yung tinatawag nilang "iskul-bukol"


ano nga ba ang iskul-bukol ? (iskul-bukol On the term here (Bukol) it was coined by Joey de Leon. shortend form "bulakbol" Cutting classes in english)

oo isang iskul-bukol bakit hindi ? eh isa naman akong barsiti sa aming paaralan kaya kahit hindi ako pumasok walang dahilan para ako ay bumagsak. madaming klase na akong pinalagpas mga sabjek na major man o maynor basta wala akong pake gagawin ko kung anung gusto koyung tipomg malaya ako. ako kasi yung tipo ng tao na "happy go lucky"


ano nga ba ang happy go lucky ?(Happy-go-lucky means carefree, which normally has a positive connotation)

maraming naiinis sa akin dahil sa aking ugali mga propesor

madalas, mga plastik na kaibigan, pero di lahat ng mga taong

naka paligid sa akin ay nagagalit, meron din namang mga

positibo lang, mga seryoso sa pag aaral o di kaya mga kapwa ko

iskul bukol din, yung tipong kaya namin intindihin mga ugali

namen. madals kaming di nakikinig sa aming guro, minsan

naman ay di namen pinapasukan lalo na pag nakaka tamad 

yung sitwasyon na mas gugustuhin mo pang mag basketball kesa

makinig sa mga daldal ng propesor mo. 



EXAMINATION DAY!!!!


examination day na namin start na ng pahirapan,
ang pag susulit na susubok sa iyong tatag upang makapag 

patuloy at makatagal sa pag aaral. sa pag aaral shempre hindi mawawala ang klase na mga kaibigan mo na handa kang tulungan sa mga oras na nahihirapan ka na, yung mag papakopya nang sagot sayo pag wala kanang mailagay na sagot sa iyong papel. GRABENG PRESSURE sa mga istudyante kapag sumasapit ang oras na iyan, bakit sino bang gusto ?


isang malaking katanungan na umiikot ngayon sa isip ko ay bakit napaka hirap mag aral, bakit di nalang pwedeng maging madali yung tipong matutulog ka nalang tapos may alam kana 

bakit ? ano nga ba ang basihan nang pagiging isang mabuting mag aaral ? kapag ba pumasok ka nang maaga sa paaralan ? kapag ba nag linis at nag walis ka sa loob nang classroom ? kapag ba nang alok ka nang baon mo sa kaklase mo ? kapag ba nag pakopya ka ? kapag ba nangopya ka ? kapag ba nag cuttingka ? kapag ba hindi ka umabsent ? kapag ba sumagot ka sa iyong guro ? kapag ba maayos ang iyong yuniporme ? 

- hay ewan basta ang alam ko hindi ka tunay na estudyante hanggat di mo nasubukan lahat nang iyan at masaya ako dahil halos lahat yan ay aking nagawa ko na kahit na bugok ako sa klase masasabi ko sa aking sarili na isa akong tunay na ESTUDYANTE :)


signing out
RALPH













Walang komento:

Mag-post ng isang Komento